(Inaasahan ng DA) SUPLAY NG BIGAS MAGIGING STABLE SA Q1 2024

bigas

UMAASA ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag ang suplay ng bigas sa bansa sa first quarter ng 2024. 

Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa na ito’y dahil nagsimula na ang peak ng anihan para sa wet season ngayong Oktubre.

Madaragdagan pa ang suplay ng bigas sa bansa dahil sa pag-angkat mula sa ibang mga bansa.

Aniya, ang national stock inventory ng bigas ay inaasahang tatagal ng hanggang 77 araw. Sa pagtatapos naman ng anihan ngayong Nobyembre ay tatagal ito ng hanggang 94 araw sa Inaasahan namang aabot ang national stock inventory ng bigas sa 2.4 million metric tons sa pagtatapos ng third quarter ng 2024, na tatagal ng 60 hanggang 90 araw.