(Inaasahan ng World Bank) PH ECONOMY LALAGO SA AVERAGE NA 6% SA 2024-2026

UMAASA ang multilateral lender World Bank na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa average na 6% sa 2024 hanggang 2026.

Sa Philippines Economic Update (PEU) nito na inilabas kahapon, sinabi ng World Bank na ang pananaw nito para sa ekonomiya “hinges on the country’s ability to rein in inflation, implement a more supportive monetary policy to foster business growth, and sustain government spending on infrastructure to stimulate economic activity, while safeguarding against the increased global policy uncertainty.”

“Strong growth puts the country on a firmer footing to maintain gains in poverty reduction,” wika ni Zafer Mustafaoglu, World Bank country director for the Philippines, Malaysia, and Brunei Darussalam.

“The (Philippines) remains vulnerable to extreme weather events such as typhoons and heavy monsoon rains.

Therefore, it is important to sustain proactive measures to protect poor and vulnerable households,” ani Mustafaoglu.

Para sa 2024 lamang, ang World Bank ay umaasa na lalago ang ekonomiya ng 5.9%, bumaba mula sa naunang pagtaya nito na 6% noong Oktubre, sa likod ng mas mabagal na paglago na naitala sa third quarter ng taon.

Sa third quarter, ang ekonomiya ng bansa ay lumago ng 5.2%, mas mabagal kumpara sa 6.4% growth sa second quarter.

“Several typhoons have affected millions of people, destroyed crops and property, damaged infrastructure, and disrupted economic activity, particularly in tourism and construction,” ayon sa World Bank.

Idinagdag pa ng lender na ang ekonomiya ng bansa ay inaasahang makakakuha ng momentum sa 2025 sa rate na 6.1% at 6% sa 2026.