NAGBABADYANG bumaba ang singil sa koryente ngayon buwan, ayon sa Customers of the Manila Electric Company (Meralco).
“Indications show a possible decrease in the generation charge in our customers’ bills this January,” pahayag ni Meralco spokesperson and head of corporate communications Joe Zaldarriaga said.
“We expect this month’s lower generation charge to lead to an overall rate reduction in this month’s electricity rates,” sabi pa ni Zaldarriaga.
Ang inaasahang pagbaba sa singil sa koryente ay kasunod ng P0.1048 per kilowatt-hour (kWh) power rate hike na ipinatupad noong Disyembre, na naghatid sa overall rate ng Meralco para sa isang typical household sa P11.9617 per kWh mula P11.8569 per kWh noong Nobyembre.
Ayon kay Zaldarriaga, ang inaasahang bawas sa singil sa koryente ay pangunahing uudyukan ng mas mababang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
“The decline in WESM costs was due to improved supply situation in the Luzon grid as both average peak demand and average capacity on outage went down in the December supply month,” dagdag pa ni Zaldarriaga.