UMAASA ang Department of Tourism (DOT) na ganap na makababangon ang domestic tourism ngayong taon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frascona maaaring umabot hanggang 2024 bago tuluyang makabangon ang international tourism sa bansa.
Sa ulat ng ahensiya, noong nakaraang taon ay kumita ang bansa ng P1.7 trillion mula sa international at domes- tic tourists.
Sinabi ni Frasco na nakatuon ang DOT sa pagsusulong sa Pilipinas at sa pagpapalakas sa turismo mula sa ibaba.
“The Philippines continues to grapple with challenges in terms of infrastructure and connectivity, which is precisely the reason why the President has identified tourism as a priority and directed that there be a whole of government approach towards tourism development,” anang kalihim.
Kumpara sa ibang mga bansa sa ASEAN, ang bansa ay kulang pa rin sa well-developed infrastructure at connectivity.
Para mapalakas ang foreign tourist arrivals sa bansa, plano ng DOT na ibenta ang bansa bilang isang medical at wellness tourism destination sa Asia.
Nitong Biyernes ay lumagda ang DOT sa isang memorandum of agreement upang maging title sponsor at lumahok sa International Health and Wellness Tourism Congress sa Dusseldorf, Germany aa susunod na buwan.
Ang event, ayon kay Franco, ay maglalantad sa bansa sa hindi bababa sa 100 buyers na may potensiyal na mag invest sa medical, health at wellness services ng bansa.