(Inaasahan ngayong taon) TRABAHO PA SA IT, HEALTHCARE, E-COMMERCE

LUMALAWAK ang job opportunities sa information technology, healthcare, e-commerce at tech spaces sa bansa, ayon sa isang job search platform.

Sa kabila nito, sinabi ni Bossjob Country Manager Kimberly Chen na nakababahala na tumataas pa rin ang unemployment rate sa bansa.

“When we’re talking about the challenges, definitely we’re looking at, one probably there are mismatches in terms of the skillsets of the jobseekers here in the Philippines, and also like what kinds of demands that the companies are looking for,” sabi ni Chen.

Aniya, magho-host ang Bossjob ng isang job fair sa SMX Convention Center mula July 13-14.

Bukod sa 120 kompanya na mag-aalok ng hanggang 3,000 trabaho, sinabi ni  Chen na magkakaroon din ng booth na magpapakita sa mga empleyado kung paano sila magkakaroon ng karagdagang kasanayan sa kani-kanilang industriya.