(Inaasahan sa darating na mga buwan) PRESYO NG PAGKAIN BABABA

INAASAHANG bababa ang presyo ng pagkain sa darating na mga buwan at ang overall inflation ay tinatayang pasok sa 2 hanggang 4 percent target ng pamahalaan ngayong taon, ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Ang headline inflation ay bumagal sa 3.7 percent noong nakaraang buwan mula 3.9 percent noong Mayo.

Gayunman ay tumaas ang food inflation sa 6.5 percent mula 6.1 percent noong naunang buwan.

“The El Niño is over, hoping that the La Niña will not bring severe flooding and all that. And I think that prices will start to moderate, so I think it will enable us to achieve pa rin ‘yung (still the) target 2 to 4 percent,” pahayag ni Balisacan sa sidelines ng ika-51 anibersaryo ng Development Academy of the Philippines na idinaos sa Quezon City noong Biyernes.

Sinabi ni Balisacan na bagama’t hindi pa tapos ang pinakamalala, ang overall inflation ay posibleng patuloy na bumagal sa darating na mga buwan.

“Overall inflation, yes, I would expect so. ‘Yung mga non-food kasi was quite favorable, price movements in the last month. Hopefully, we can manage that, walang quite sharp, no unforeseen price increases coming from the utilities,” aniya.

Samantala, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na ang June inflation data ay “bahagyang mas maganda kaysa inaasahan.”

“Well, this is a cause for reassurance because it seems to be going in the direction we expected. So it’s reassuring, but we need a few more numbers. So it’s not yet time to declare victory, as people say,” ani Remolona.

Naunang sinabi ng BSP na ang latest inflation outturn ay sang-ayon sa projections nito, nagpapakita na ang full-year average inflation ay maitatala sa loob ng target range para sa 2024 at 2025.

“Looking ahead, the BSP will continue to ensure that monetary policy settings will remain in line with its primary mandate to safeguard price stability conducive to sustainable economic growth,” sabi ng central bank.

Nauna nang ipinahiwatig ni Remolona na maaaring tapyasan ng BSP Monetary Board ang policy rates sa susunod na buwan.

Ulat mula sa PNA