(Inaasahan sa Nobyembre)MATATAG NA PRESYO NG ASUKAL

PH TRADE DEFICIT

UMAASA ang bagong board ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na magiging matatag ang presyo ng asukal sa Nobyembre.

“Hopefully by November once all the imported refined (sugar) comes in, we should see a stabilization on the prices,” pahayag ni SRA administrator David John Thaddeus Alba sa isang briefing kahapon.

Ang tinutukoy niya ay ang pag-angkat ng 150,000 metric tons (MT) ng refined sugar, na inaprubahan ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang linggo sa pamamagitan ng Sugar Order No. 2.

Ayon kay Alba, pagsapit ng Novyembre ay inaasahang bababa ang presyo ng asukal sa P70 hanggang P80 kada kilo mula sa kasalukuyang presyo na P95 kada kilo.

Sinabi naman ni Pablo Luis Azcona, ang kinatawan ng sugar planters sa SRA board, na may iba pang salik na makaaapekto sa presyo ng asukal, tulad ng halaga ng produksiyon at transportasyon.