(Inaasahan sa pagdating ng mga inangkat)BAWAS-PRESYO SA PUTING SIBUYAS

INAASAHANG bababa na ang presyo ng puting sibuyas sa mga pamilihan sa oras na dumating sa bansa ang mga inangkat na produkto.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), na kanyang iminungkahi sa pagpupulong kasama ang Department of Agriculture (DA), na kalahati lamang ng 3,700 metric tons ng sibuyas ang ipapasok sa bansa.

Pinakamabilis na, aniya, na makakuha ng supply mula sa China.

Kamakailan ay naiulat na umabot na sa P400 ang presyo ng kada kilo ng puting sibuyas sa mga pamilihan.

Samantala, tiniyak naman ni So na sapat ang supply ng pulang sibuyas sa mga cold storage.

“Yung puti (sibuyas), wala nang masyadong supply. So, kaya tumaas, sumipa ng ganoon talaga. Pero ang napag-usapan kung matutuloy ‘yung kalahating volume na ‘yun, at least makakatulong doon sa supply. Mga three weeks time, puwede nang makapasok ‘yan,” paha­yag ni So.

DWIZ 882