POSIBLENG lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6 percent sa second quarter ng taon, ayon sa isang ekonomista.
Sa isang Viber message, sinabi ni Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort na ang drivers ng paglago ay kinabibilangan ng mas mataas na paggasta ng mga consumer at pamahalaan.
“Faster consumer spending, which accounts for at least 70 percent of the economy, as many businesses and industries recover further with no more Covid restrictions for more than a year already or since June 22, 2023, especially those hit hard by the pandemic, going back or even exceeding [their] pre-pandemic levels,” ayon kay Ricafort.
Aniya, ang mas mabilis na paggasta ng pamahalaan ay pinangunahan ng patuloy na paglago sa infrastructure spending, gayundin ng mga paghahanda para sa May 2025 midterm elections dahil minamadali ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga proyekto o programa bago ang election ban.
Ang official second quarter Philippine economic growth data ay ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa susunod na linggo.
Sa first quarter ng taon, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 5.7 percent.
Ayon kay Ricafort, ang paglago ng ekonomiya ng bansa malapit o sa 6 percent levels ay maaaring masustina sa mga susunod na quarters dahil sa kaaya-ayang demographics at patuloy na pagbangon ng ilang industriya tulad ng turismo.
“Growth drivers for 2024 and beyond include the easing inflation and the possible reduction in interest rates, further recovery of the tourism sector and continued growth in overseas Filipino remittances,” sabi ni Ricafort.
Ang iba pa aniyang drivers ng paglago ay ang patuloy na paglago sa business process outsourcing (BPO) na nakalikom ng mahigit USD35 billion noong 2023 at inaasahang lalago pa sa USD39 billion sa 2024 at mas mataas pa sa mga darating na taon. ULAT MULA SA PNA