(Inaasahan sa susunod na linggo )BIG-TIME OIL PRICE HIKE

MAY malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan simula sa Martes, Hunyo 7.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P6.30 hanggang P6.50, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng may dagdag na P2.50 hanggang P2.70 kada litro. 

Ang price increase ay ipatutupad isang linggo

makaraan ang dagdag-bawas sa presyo ng diesel at gasolina. 

Noong nakaraang Martes, Mayo 30, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.70, habang may taas-presyo sa diesel ng P1.20 at kerosene ng P2.45.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng kabuuang P23.85 55, diesel ng P30.30, at kerosene ng P27.65.