MAY inaasahang malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, nasa P2.50 hanggang P2.70 kada litro ang tinatayang rolbak sa presyo ng gasolina.
Sa diesel at kerosene naman ay nasa P2.70 hanggang P2.80 kada litro ang inaasahang bawas-presyo.
Ang rolbak ay dahil sa pagbaba ng demand sa krudo sa gitna ng ipinatutupad na travel ban sa iba’t ibang bansa dahil sa banta ng Omicron variant.
Ito na ang ika-5 sunod na linggo na may bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Noong nakaraang Martes, November 30, ang fuel firms ay nagpatupad ng P1.10 hanggang P1.20 kada litrong tapyas sa presyo ng gasolina at P0.60 hanggang P0.70 price reduction sa kada litro ng diesel.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.