(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO-18

NAGBABADYANG bumaba ang presyo ng mga produkyong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina.

Inaasahan namang walang magiging paggalaw sa presyo ng diesel, habang ang kerosene ay may tapyas na P0.10 hanggang P0.15 kada litro.

Paliwanag ng mga eksperto, ang nakaambang rolbak ay dahil sa desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na unti-unting magdagdag ng produksiyon ng langis.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

4 thoughts on “(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO”

Comments are closed.