(Inaasahan sa susunod na linggo) ROLBAK ULIT SA PRESYO NG GASOLINA

MAY inaasahang bawas-presyo sa gasolina sa susunod na linggo.

Sa fuel price forecast nito para sa November 16-22 trading week, sinabi ng Unioil  na ang presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng bumaba ng mula P0.90 hanggang P1.00.

Wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong Martes, Nobyembre 9, ay tinapyasan ang presyo ng gasolina ng  P1.00 kada litro at diesel ng P0.60 kada litro.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong taon, ang total net increase ng gasolina ay pumalo na sa P20.95 kada litro, habang P17.50 sa kada litro ng diesel.