INAASAHANG ilalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Enero ng susunod na taon ang bagong suggested retail prices (SRPs) para sa Basic Necessities and Prime Commodities.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kailangan ng sapat na panahon upang i-evaluate ang presyo ng nasabing mga produkto.
Sinabi pa ng kalihim na patuloy nilang minomonitor ang presyo ng raw materials.
Nakikipag-usap na rin, aniya, sila sa mga manufacturer upang maayos na ma-assess ang mga kahilingan kaugnay sa adjustments sa SRPs.
Ayon pa kay Pascual, huli silang naglabas ng SRP noong Agosto.
DWIZ 882