INAASAHANG TAMBALAN NINA JANICE AT JOHN NAPURNADA

NATUWA ang fans nina Janice de Belen at John Estrda sa nabalitang pag­lipat ng actor  sa GMA Network, at ang wish nila, muli silang magkasama sa isang teleserye dahil nasa GMA na rin si Janice.

Pero malabo dahil bago pa nakalipat si John sa GMA, last Wednesday, May 2 lamang siya lumipat at pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network, nabalita namang bumalik muli si Janice sa ABS-CBN, at may bago na itong teleserye na gagawin doon, kasama si Angel Locsin at Ryza Cenon, ang “The Gen-eral’s Son.”

Kaya si John, nang ma-interview ng Chika Minute ng “24 Oras,” sabi niya: “Masaya, masaya.  I feel so welcome and at the same time excited.  It’s a fact naman na I love challenges.  And as you mature, siyempre, mas marami kang gustong patunayan sa sarili mo.  At dito sa GMA, maganda, interesting ‘yung mix of cont

ent and, of course, bagay sa akin yung versatility na in-offer nila.  At ang gagawin kong first project sa kanila ay ngayon lamang ako makagagawa ng ganitong serye kaya excited ako.  If I am not mistaken, this is the biggest project of GMA this year, kaya it’s all worth the wait.”

Noon pa rin, hindi pa lumilipat si John, balita nang magkakasama sila ng anak niyang si Inah de Be­len sa gagawin nito.  At iyon ang inaabangan ng mga netizen, ang pagsasama ng mag-ama dahil never pang nakatrabaho ni Inah si John dahil magkaiba ang network nila noon. May wish din sila na sana makasama rin sa cast si Jhake Vargas.

LOVI, RHIAN, SOLENN AT DENNIS

KANYA-KANYANG LAYAS PERO ‘DI APEKTADO ANG TAPINGS

MALAPIT nang magtapos ang romantic-comedy series na “The One That Got Away,” pero nakatutuwa na hindi naapektuhan ang serye kahit umaalis ang main characters, like si Dennis Trillo, kasama si Migo Adecer, with Soleen Heussaff ay nasa “Pinoy Fest 2018” sa Dubai.  Si Lovi Poe ay nasa Berlin, Germany para sa Omega watch.  Si Rhian Ramos naman ay kababalik lamang from a 10-day Japan vacation.  Hindi magtatagal sina Dennis sa Dubai dahil may taping pa sila ng TOTGA at si Solenn naman ay magpu-promote ng kanilang “My 2 Mommies” ni Paolo Ballesteros para sa Mother’s Day presentation ng Regal Films sa May 9, showing in cinemas nationwide.

Sa ‘di pagreport ni Maine sa EB

NANAY DUB UMAPELA NA ‘WAG MAGKALAT NG FAKE NEWS

HINDI na rin nakatiis ang nanay Mary Ann @macmendoza75 ni Maine Mendoza sa kung ano-anong lumalabas na bashings sa social media dahil sa ilang araw na hindi nag-appear ang anak sa “Eat Bulaga” dahil sa LBM at dehydration.

Nagpasalamat siya sa mga nagmamalasakit kay Meng at sinabing okey na ang anak, nagpapahinga na lamang under their care.  Sana raw ay huwag magkalat ng fake news ang iba to avoid confusion. Muli siyang nagpasalamat sa mga nakaunawa at pahuli niya: God bless…

Last Thursday, may lumabas nang picture ni Maine na nasa bahay nila sa Sta. Maria, Bulacan.  Hindi pa rin siya nag-report sa Sugod-Bahay kahit nasa Pulilan, Bulacan ang JoWaPao, dahil pinagpapahinga pa siya ng doctor.

Comments are closed.