(Inamin ng DA)SHORTAGE SA BAWANG

BAWANG

AMINADO ang Department of Agriculture (DA) na nagkukulang na rin ang suplay ng bawang sa bansa.

Ayon sa DA, inaasahang papalo sa 63,000 metric tons ng bawang ang kukulangin ngayong taon.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, sinabi ng ahensiya na ang kabuuang suplay ng bawang sa bansa ngayong taon ay nasa 82,950 metric tons.

Sa datos ng ahensiya, nasa 4,817 metric tons ang lokal na produksiyon habang aabot sa 78,132 metric tons ang inangkat ng bansa.

May kabuuang 146,850 metric tons naman ang demand o kai­langan na bawang sa bansa.

DWIZ 882