INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na habambuhay nang aangkat ng bigas ang Filipinas mula sa mga karatig-bansa.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa 1st National Assembly ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City.
Ayon kay Duterte, nakaapekto sa produksiyon ng bigas ang peace and food security lalo’t nakade-pende sa agricultural production ng Mindanao ang self-sufficiency ng bansa sa pagkain.
“Karamihan sa Mindanao is dedicated already to cash-crop. Ibig sabihin, planted to pineapple, banana, and everything pati mangga ngayon, it’s so popular, in demand… ang lupa wala nang nagtatanim ng palay maybe pati ‘yung corn,” anang Pangulo.
Unti-unti na aniyang nauubos ang nagtatanim ng palay dahil lumipat na ang mga ito sa ibang pananim o nata-takot na magsaka dahil sa karahasan sa Mindanao.
“We have to find peace to develop the land for our survival… sa Mindanao, mainly is that you have the MILF (Moro Islamic Liberation Front) and I thank Allah by his grace for giving us the Bangsamoro Law,” sabi pa ni Duterte.
Samantala, kinalampag ng Pangulo si Agriculture Secretary Manny Piñol.
“My father is a Visayan from Cebu, ang kinakain talaga namin is mais, we can go as far into the night, matagal kang gutumin. Mais kami, we do not have that anymore and because there is trouble all avail-able peaceful lands, ‘yung may law and order or at least some blands of it okay tayo, banana and the usual pero kung sabihin mo na you expect the Philippines to be rice suffi-cient for the next ten years, saan si Piñol nandito? Linti na Piñol nasaad, nasaad na, hindi dadat-ing ‘yun,” dagdag ng Pangulo
Hindi naman sang-ayon si Piñol sa pahayag ni Duterte na habambuhay nang aangkat ng bigas ang Fili-pinas.
Sa katunayan, aniya, ay lumalago pa ang rice industry ng bansa.
“Inaccurate ‘yung ibinigay sa kanyang info sapagkat ang totoo niyan ang rice industry in the Philippines has been growing at the rate of 3.5 percent per year, actually ang sinabi niya hindi raw natin ma-a-achieve ‘yung rice sufficiency, sinabi ko rin sa kanya ‘yan eh, ang sabi ko, actually, sir, maski i-implement natin sa programa na ito, the longest that we can actually achieve rice sufficiency would be 1-2 years sapagkat aabutan tayo ng population growth,” sabi pa ng kalihim. DWIZ 882