(Inaprubahan ng DBP sa first half ng taon) P39.5-B INFRA LOANS

NASA P39.5 billion na loans ang inaprubahan ng state-owned Development Bank of the Philippines (DBP) sa ilalim ng flagship credit program nito na naglalayong matugunan ang funding gaps sa infrastructure development sa bansa.

Sa isang statement, sinabi ni DBP president and chief executive officer Emmanuel Herbosa na mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, may kabuuang 440 borrowers na ang nakakuha ng funding support sa ilalim ng Infrastructure Contractors Support (ICONS) program ng bangko na unang inilatag noong 2017.

“DBP has sharpened its focus on the infrastructure build-up program of the national government to provide further impetus to the country’s economic rebound,” sabi ni Herbosa.

“As the country’s premier development financing institution, DBP continues to assist contractors in meeting the growing demand for meaningful public infrastructure projects.”

Ang ICONS program ng DBP ay nagkakaloob ng direct financing sa mga construction contractor para pondohan ang iba’t ibang infrastructure activities, kabilang yaong mga nasa transport, water supply at wastewater and sanitation, communications, gayundin ang social, power at  energy sectors.

Sa first half ng taon, sinabi ni Herbosa na ang ICONS program ay nakapagkaloob ng funding assistance sa 151 borrowers mula sa Luzon, 134 aa Visayas, at 145 sa Mindanao, kabilang ang 10 kompanya na may multiple project sites.

Patuloy aniyang susuportahan ng DBP ang mga inisyatiba ng national government sa ilalim ng massive ‘Build  Build Build’ program, na may kabuuang alokasyon na P1.18 trillion para sa public works and transport programs sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program.

“Infrastructure development is indispensable to propel economic growth as well as to enhance the quality of life,” ani Herbosa. “DBP will remain at the forefront of providing the needed assistance to boost economic recovery, sustain gains, and ramp-up growth.”

123 thoughts on “(Inaprubahan ng DBP sa first half ng taon) P39.5-B INFRA LOANS”

Comments are closed.