LUMIPAD patungo sa Singapore si presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio kahapon ng umaga.
Umalis si Mayor Sara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Singapore Airlines, kasama ang ilang Presidential Security Group (PSG).
Ayon sa report, bago ang departure ni Inday Sara ay nakipag-meeting pa ito sa mga kinatawan at mga opisyal ng Malakanyang sa NAIA terminal 3 tungkol sa kanyang pag-alis.
Sinubukan ng ilang mamamahayag na hingian ng pahayag si Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ngunit tumanggi itong magbigay ng impormasyon hinggil sa VIP departure ng presidential daugther.
Sa ilalim ng alituntunin na itinakda ng IATF, pinapayagan ang essential travel abroad. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.