INDIAN NAHULIHAN NG BARIL SA NAIA

pagbabarilin

PARAÑAQUE CITY – HINARANG ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Indian dahil sa pagdadala ng kalibre .45 at magazine na naglalaman ng 7 live bullets ng walang permit.

Ayon sa report  ng AVSEGROUP  na ipinarating sa pamunuan ng Manila International Airport (MIAA) ang naturang baril ay itinatago ni Baljinder Singh Ranu, 44-anyos, sa loob ng  kanyang check-in luggage.

Si Baljinder ay naninirahan sa Ba­langa, Bataan, at ang kanyang negosyo ay nagpapautang o lending business sa loob ng 24 taon.

Sa report, nadiskubre ng Office of the Transportation Security (OTS) ang kanyang baril  bago makasakay sa Thai Airlines flight TG 621 papuntang Thailand.

Sa imbestigasyon ng PNP pinabulaanan ni Ranu na may dala siya at aniya’y hi­niram niya sa tatay ng kanyang pamangkin. FROI MORALLOS

Comments are closed.