INDONESIA HUMIRIT SA PILIPINAS: HUWAG MUNANG MAG-ANUNSIYO SA PAG-UWI NI VELOSO

HINILING ng gobyerno ng Indonesia na huwag munang maglabas ng anumang pahayag hinggil sa pagpapauwi sa Pilipinas sa nakulong na OFW na si Mary Jane Veloso.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinabihan sila ng gobyerno ng Indonesia na huwag maglabas ng detalye tungkol dito hangga’t hindi pa napaplantsa ang lahat.

Tiniyak ni Marcos na nirerespeto nila ang hi­ling na ito ng Indonesia.

Walang kondisyong ipatutupad ang Indonesia at gusto na rin nilang mapauwi ng bansa si Veloso bago ang Pasko.