SULU – MATAPOS ang mahigit apat na buwang pagkakabihag, na-rescue ng militar ang isang Indonesian na hostage ng Abu Sayyaf sa lalawigang ito, sa ulat ng AFP-Western Mindanao Command kahapon.
Ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng WESMINCOM, si Juragan Kapal Samsul Saguni ay nailigtas sa pakikipag ugnayan kay dating Sulu Governor Abdul Sakur Tan ng mga tauhan ng 41st Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army at nang bagong tatag na 11th Infantry Division, Philippine Army.
Dinala si Saguni sa bahay ni Sakur Tan sa Poblacion, Maimbung, Sulu bandang alas-4:30 ng hapon.
Ang biktima ay dinukot ng ASG noong Setyembre 11, 2018, kasama ang isa pang Indonesian na si Usman Yunos, habang sa-kay sila ng Malaysian fishing/trawler vessel, sa karagatang sakop ng Semporna, Sabah.
Ang 35-anyos na si Yunos ay nailigtas ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 3, Philippine Marine Ready Force Sulu at Sulu Provincial Police Office noong Disyembre 6, 2018.
Si Sagun ay isinailalim ng Joint Task Force Sulu sa custodial debriefing sa JTF Sulu headquarters sa Barangay Bus-bus, Jolo, Sulu.
Una rito sumailalim muna sa medical check-up sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Barangay Bus-bus at ayon kay Brigadier General Divino Rey Pabayo, Jr., maayos naman ang kalusugan ng biktima.
Ayon kay Brigadier General Pabayo, Jr. may hawak pang limang banyaga at tatlong Filipino na bihag ang ASG sa area ng Sulu. VERLIN RUIZ
Comments are closed.