BUMABA ang inflation noong Agosto dahil sa mas mabagal na paggalaw ng presyo ng major food commodities, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang virtual press conference, sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang August inflation ay naitala sa 2.4%, mas mabagal sa 2.7% rate noong Hulyo.
Gayunman, ang inflation noong nakaraang buwan ay mas mabilis sa 1.7% noong Agosto 2019. Year-to-date, ang inflation ay nasa 2.5%.
“Ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation sa buwan ng Agosto 2020 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages,” wika ni Mapa.
Ayon sa PSA chief, ang annual rate ng Food and Non-Alcoholic Beverages ay bumagal sa 1.8% mula sa 2.4% noong Hulyo.
Ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng isda, karne at gulay ay kabilang din sa major contributors sa pagbagal ng inflation.
Ang indices para sa bigas at mais ay bumaba sa -1.1% at -0.6%, ayon sa pagkskasunod.
Samantala, ang index para sa mga gulay ay nasa -0.9% sa naturang buwan mula sa .9% annual hike noong Hulyo.
Nag-ambag din ang restaurants at miscellaneous services sa pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan.
Comments are closed.