NAGLUNSAD ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang information campaign na layong isulong ang responsableng pagmimina at ipagbigay-alam sa publiko ang tamang impormasyon ukol sa pagmimina.
Ang kampanyang #MineResponsibility ay proyekto nina DENR Secretary Roy A. Cimatu at DENR Undersecretary for Climate Change and Mining Concerns Atty. Analiza Rebuelta-Teh alinsunod sa layunin ng ahensiya na magbigay ng mas malinaw at makatotohanang imahe ng pagmimina sa bansa.
“We now have better and stronger policies in place to protect the environment and local communities and to mine with a long-term positive effect. We should not be wasting the massive mineral wealth of the Philippines when it can be used to benefit the people,” sabi ni Cimatu.
“Moving forward, our goal is to harness this mineral wealth for progress and development and the key to that is responsible mining,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, binigyang-diin ni MGB Director Atty. Wilfredo G. Moncano na ang information campaign ay idinisenyo upang maging katuwang ang publiko sa prayoridad ng DENR na isulong ang pagkalinga ng kalikasan at ng mga komunidad pagdating sa pagmimina.
“It is important that the public is informed and involved in the enforcement of mining policies and environmental protection, and that’s what this campaign is really about,” ani Moncano. “Especially now that mining requirements are more strict now than twenty years ago.”
Ayon kay Moncano, kasama sa mga polisiyang ito ang pagtatag ng Mining Industry Coordinating Council (MICC) na nagsilbing third party na mag-iimbestiga sa large-scale operations ng mga minahan.
Kamakailan ay inilabas din ng DENR ang Department Administrative Order No. 2018-19 (DAO 2018-19) kung saan hinigpitan ang mga polisiya upang matiyak ang responsableng pagmimina sa lahat ng uri ng minahan.
Kasama na rito ang pagpapaliit ng maximum disturbed area ng large-scale mining operations. Ang maximum disturbed area ay ang sukat na puwedeng galawin at ayusin ng isang large-scale mining operation bago ito lumipat sa iba.
Kasama ng audit ng MICC at ng DAO 2018-19, naglunsad din ang MGB ng inisyatibo para mapabilis ang pagproseso ng ng mga lisensiya ng small-scale mining groups upang maging legal ang kanilang mga operasyon at masali sila sa mga Minahang Bayan ng kanilang komunidad. Ang Minahang Bayan, ayon sa People’s Small-Scale Mining act, ay isang operasyon ng mga pinagsama-samang small-scale mines.
Comments are closed.