TUMAAS ng 38.1 percent ang infrastructure spending ng pamahalaan hanggang katapusan ng Oktubre sa likod ng pagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang infrastructure disbursements ay umabot sa P60.9 billion para lamang sa buwan ng Oktubre. Dahil dito, ang kabuuang paggasta sa loob ng 10 buwan ay lumobo sa P702.4 billion mula sa P508.5 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa ahensiya, ito ay dahil sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyektong pang-imprastruktura ng DPWH sa buong bansa, gayundin ang aviation transport infrastructure projects ng DOTr.
“DPWH projects involved operations concerning roads, bridges, flood mitigation structures and drainage systems, along with the construction of multi-purpose buildings,” ayon sa DBM.
“The direct payments made by development partners for the various foreign-assisted road network and flood control projects of the DPWH and the foreign-assisted rail transport sector projects of the DOTr also contributed to the said increase,” sabi pa ng ahensiya sa October figures.