TARLAC- ARESTADO ng pulisya ang isang inhinyero na may kasong pang-aabuso o paglabag sa Republic Act 7610 sa bayan ng Paniqui.
Sa report ni P/Lt.Col. Napoleon Duquez kay PNP Provincial Director, P/Col. Dave Poklay nakilala ang nadakip na si alyas Boni Arizala, 32-anyos, civil engineer na may residential address sa Toclong, Imus Cavite..
Inaresto ang suspek sa Brgy. Tablang, sa Paniqui Tarlac, na kabilang sa Top 7 most wanted person sa bayan ng Sanchez Mira sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay MSgt. Arnel Agliam at SSgt. Mark Roel Sabado, armado sila ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Gemma P. Bucayo-Madrid at ng RTC Branch 12 ng Sanchez Mira Cagayan na may cc.no 4234-S-2020 sa Act of Lasciviousness in RA 7610. THONY ARCENAL
Comments are closed.