ILANG manufacturers ang humihirit ng P5 dagdag-presyo sa canned goods at hygiene products.
Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarket Association, inaasahan ang pagtaas sa presyo ng personal hygiene products tulad ng shampoo, conditioners, at bath soaps.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nagsumite rin ng notices ang mga manufacturer ng kandila at baterya.
Humihirit sila ng dagdag-presyo sa iba’t ibang produkto mula P0.40 hanggang P5.60.
“Meron as high as 20 percent na request. Inaaral para masigurado natin kasi we limit talaga the increases to at least 10 percent lang. Kung pwede doon na lang sila sa kanilang premium brands o wag na dito sa mga pinakamura,” wika ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Ang mga manufacturer ay humihiling ng price hike dahil sa mataas na presyo ng raw materials.
“Most of our raw materials are imported, we really have, need to develop the industries or our industries to produce the raw materials needed,” paliwanag ni Steven Cua, presidente ng PASA.