NAKATANGGAP ang Department of Trade and Industry (DTI) ng notice of price adjustment o taas-presyo mula sa mga manufacturer ng ilang produkto.
Kabilang dito ang sardinas, meat loaf, corned beef, kape, at sabon.
Ayon sa DTI, pinag-aaralan nila ang usapin ngunit kailangan ding maging makatuwiran ang presyo para sa kapakanan ng mga mamimili.
Matatandaang huling naglabas ng suggested retail price (SRP) sa ilang bilihin ang DTI noong August 2022.
Nitong Biyernes ay nagtungo sina DTI Secretary Alfredo Pascual at Senador Mark Villar, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, sa ilang supermarkets sa Makati upang magsagawa ng inspeksiyon.
Nalaman naman nilang ang mga produktong ipinagbibili ay sumusunod sa SRP o mas mababa pa ang presyo.