(Inihirit ng mga manufacturer)TAAS-PRESYO SA SARDINAS, KAPE AT GATAS

DTI-4

HUMIHIRIT ang ilang manufacturers ng taas-presyo sa sardinas, kape at gatas, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na nasa P0.50 hanggang P20 ang hinihiling na price hike ng mga manufacturer.

Ngunit sinabi ni Castelo na hindi maaaring lumagpas sa 10% ang itataas sa presyo ng mga produkto sakaling aprubahan ito ng ahensiya.

Samantala, pinag-aaralan pa ng DTI ang iba pang detalye ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) kaugnay sa kanilang hiling na dagdag na P4 sa presyo ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Ayon kay Castelo, importante na makumpleto at matiyak na may pinagbabasehan ang naturang grupo sa kanilang hiling na taas-presyo.

Paliwanag pa ni Castelo na ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal ay basic needs kaya kasama ito sa suggested retail price (SRP) bulletin.

DWIZ 882