(Inihirit sa mga opisina, establisimiyento) MAS MAIKSING PHYSICAL DISTANCE

NANAWAGAN ang mga negosyante sa gobyerno na iksian sa kalahating metro ang distansiya sa pagitan ng mga manggagawa at customer sa mga restaurant at establisimiyento.

Ito’y upang mas maraming espasyo umano ang magamit ng mga manggagawa at customer sa kabila ng pagpasok sa bansa ng Omicron variant ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni Ricky Salvador, Executive Director ng IT and Business Process Association of the Philippines, na karamihan naman sa mga empleyado ay fully vaccinated na.

Kung babawasan, aniya,  ang distansiya, mas maraming empleyado ang magkakasya sa kanilang opisina upang mas maging episyente ang kanilang mga workplace.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Salvador na susunod pa rin naman ang mga empleyado sa mga health protocol.

Ganito rin ang panawagan ni Resto Dot Ph President Eric Teng para sa mga fastfood at iba pang kainan habang suportado rin nina dating Health Secretary Manuel Dayrit at Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion ang hirit ng mga negosyante. DWIZ 882