(Inilaan ng gobyerno)P1.6 TRILYON PAMBAYAD SA UTANG

Benjamin Diokno

Sa ilalim ng Budget Expenditures and Sources of Financing for Fiscal Year 2023, ang gobyerno ay naglaan ng P1.601 trillion para sa debt servicing.

Ang halaga ay kinabibilangan ng P1.019 trillion sa principal repayments at P582.32 billion sa interest payments.

Nang hingan ng komento, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang principal payments ay sakop ng bond sinking fund, o ang pera na minamantina para pambayad sa utang.

Gayunpaman, sinabi ni Diokno na ang interest payments na P582 billion bilang percentage ng P5.268-trillion 2023 budget ay 11.5%, na “manageable.”

“About three decades ago interest payments as percent of the budget was about one-third. Those were the hard times,” pahayag. ni Diokno sa GMA News Online.

Ang debt servicing expenditures sa susunod na taon ay nakaprograma na mas mataas sa P1.263 trillion na inilaan na pambayad sa utang ngayong taon.

Ang P1.6 trillion na inilaan para sa pagbabayad ng utang ay para sa P1.348 trillion na domestic debts at P253.775 billion na foreign loans.