Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, inilabas niya ang bagong SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang dating listahan.
Ang bagong listahan ay mayroon aniyang brands at specifications.
“Rather than calling pad or notebook, we specified certain types, spiral or whatever,” ayon kay Pascual.
Para sa notebooks, ang bagong SRP ay kinabibilangan ng size, number of leaves, paper quality, brand name, at maging kung mayroon itong generic o character design.
Paliwanag ng ahensiya, makatutulong ang mga impormasyong ito para maikumpara ng mga mamimili ang presyo sa mga tindahan.
“Canvass, check other suppliers. For the same level of quality, a product can be more expensive in an expensive place, but if you go to Divisoria, same product will be available at a lower price,” ani Pascual.