NAGPALABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P1.185 billion para sa special risk allowance (SRA) ng health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang halaga ay para sa SRA ng 63,812 eligible public at private healthcare workers na direktang nagseserbisyo o may contact sa COVID-19 patients.
Sa kabuuan, ang DBM ay nakapaglabas na ng P11.856 billion para sa 562,928 healthcare workers na tatanggap ng SRA na hindi hihigit sa P5,000 kada buwan mula Dec. 20, 2020 hanggang June 30, 2021.
Ang SRA ay isang mandated benefit para madagdagan ang tinatanggap ng mga health worker na nangunguna sa paglaban sa COVID-19.