INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Noche Buena Price Guide ngayong taon para sa kabatiran at patnubay ng mga consumer.
“One of the Department’s mandates is to promote consumer rights and responsibilities. During this holiday season, we are highlighting consumer’s right to choose, and the responsibility for critical awareness, specifically the responsibility to compare prices. As such, the DTI published the Noche Buena Price Guide, urging consumers to consider all available options for their Noche Buena needs. Through this, we are giving our consumers the options to compare and choose the products that suit their budget and taste,’’ pahayag ni DTI Secretary Fred Pascual.
Sa kasalukuyan, ang price guide ay may 240 Stock Keeping Units (SKUs) mula sa 22 Noche Buena manufacturers.
Sakop ng price guidre ang ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta/spaghetti noodles kabilang ang elbow at salad macaroni, spaghetti at tomato sauce, at all-purpose cream.
Ang Noche Buena Price Guide ngayong taon ay tinatampukan ng mga tips para sa mga consumer, gayundin ng SKUs na walang pagbabago o bumaba ang presyo.
May kabuuang 21 SKUs ang bumaba ang presyo habang 34 ang hindi gumalaw ang presyo.
Para ngayong taon, ang presyo ng ham ay naglalaro sa P169.00 hanggang P898.50; queso de bola, P210.00 hanggang P445.00; fruit cocktail, mula P57.72 hanggang P293.86; keso, P47.15 hanggang P420.00; mayonnaise mula P24.70 hanggang P245.85; all-purpose cream mula P36.00 hanggang P6.00 sandwich spread mula P27.00 hanggang P263.60; pasta/spaghetti mula P25.50 hanggang P113.00; elbow macaroni, P23.00 hanggang P124.00; tomato sauce mula P15.50 hanggang P92.25; salad macaroni mula P36.50 hanggang P123.00; at spaghetti sauce mula P23.55 hanggang P103.00.
Kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng DTI ay nangako ang mga manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo hanggang Media Noche ngayong taon.
Ang 2023 Noche Buena Price Guide ay maaaring ma-access sa website ng DTI.