Sa isang statement, sinabi ng Lanbank na ang loans sa sektor ng agrikultura na inilabas sa naturang panahon ay lumago ng 15.5% year-on-year.
“Landbank stands ready to extend accessible credit to all agri players to boost the country’s food production and supply. We will continue ramping up our lending activities in full support of the new administration’s agricultural modernization agenda,” sabi ni Landbank president and CEO Cecilia Borromeo.
Sa P257.7 billion total outstanding loans, sinabi ng Landbank na ang P37.5 billion ay napunta sa maliliit na magsasaka at mangingisda, kabilang yaong mga ipinadaan sa mga kooperatiba at farmers’ associations, rural financial institutions, at iba pang conduits.
May kabuuang P163.1 billion ang ginamit para suportahan ang small, medium, at large agribusiness enterprises, habang ang nalalabing P57 billion ay napunta sa agri-aqua related projects ng local government units (LGUs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs)
Ang loans ay ginamit para pondohan ang iba’t ibang economic activities, kabilang ang iP56.7 billion para sa livestock, crops, at fisheries production, at P122.2 billion para sa agri-processing at trading ng rice, corn, at sugarcane.
Samantala, kabuuang P78.8 billion naman ang ginamit para sa konstruksiyon at improvement ng essential agricultural infrastructure tulad ng public markets, farm-to-market roads, warehouses, cold storages, irrigation systems, at slaughterhouses.
Sa unang anim na buwan ng 2022, sinabi ng Landbank na umayuda rin ito sa konstruksiyon at improvement ng 138 kilometers ng farm-to-market roads— na isa sa mga prayoridad ng development plan ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. para sa sektor ng agrikultura.