(Inilunsad ng BSP, DILG)CASHLESS PAYMENT SA PALENGKE

INILUNSAD ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang cashless payment program “Paleng-QR PH Plus” sa ilang palengke.

Ang programa na gumagamit ng QR codes bilang mode of payment ay unang inilunsad sa mga lungsod ng Baguio at Davao.

Una itong ipinatupad sa Pasig City public market at nakatakda rin itong ilunsad sa iba pang mga lungsod.

Ayon sa BSP, ang digital payment ay makatutulong sa ilang vendors na mabawasan ang mga pagkakataon na nahihirapan silang makakita ng panukli o mabayaran ng pekeng pera.

Binigyang-diin ni BSP Governor Felipe Medalla na maraming bentahe sa mga consumer ang paggamit ng cashless transactions.

“Mas sanitary. Pangalawa, napakagastos para sa BSP ‘yung gawa nang gawa ng barya. QR, ‘di na kailangan ng sukli,” aniya.