INILUNSAD ng Department of Trade and Industry ( DTI) ang Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) para palakasin ang MSMEs sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Laguna.
Sa pamamagitan ng programa ng DTI na LSP-NSB ay mas lalong maipapaabot ang tulong sa mga negosyo na palakasin ang kani-kanilang activities para mas lalong mapalapit ang serbisyo sa publiko sa pakikipag-ugnayan ng mga local na pamahalaan.
Isa sa mga puntirya ng nasabing programa ay ang provision of “business kits” para matukoy ang beneficiaries mula sa mga barangay na makatulong para ma-improve at ma-restore ang kanilang negosyo.
Gayundin, sa tulong ng Negosyo Center Cavinti ay inilunsad ng Department of Trade and Industry- Laguna Provincial Office ang Awarding of LSP-NSB Business Kits na ginanap sa Municipal Covered Plaza sa bayan ng Cavinti, Laguna nitong Marso 24.
Kabilang sa mga dumalo at lumahok sa nasabing activity ay ang DTI staff, guests at ang 30 beneficiaries mula sa mga Barangay Bukal, Cansuso, Lumot-Mahipon, Paowin, Silangan Talaongan at Barangay Sumucab sa bayan ng Cavinti, Laguna.
Pinangunahan ni Joel Nico Toriano, Negosyo Center Business Counselor ang nasabing programa kung saan naging mga napauhin ay sina Elmer Sagales, Business Counselor ng Luisiana; at Christian Ted Tungohan, Senior Trade-Industry Development Specialist ng DTI IV-A. MHAR BASCO