(Inilunsad ng LandBank) P50-B PAUTANG SA CRISIS-HIT BUSINESSES

NAGLATAG ang Land Bank of the Philippines ng P50-billion loan program para sa mga negosyong tinamaan ng natural at man-made calamities tulad ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.

Layon ng programa na mabigyan ng karagdagang working capital ang mga kompanya.

Maaari itong gamitin sa pagpapalakas ng operasyon, pagpapalawak ng trading facilities, at stockpile supplies at inventories para matugunan ang aktuwal o nakaambang epekto ng krisis.

“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” pahayag ni LandBank President and Chief Executive Cecilia Borromeo.

“Through the Nation Serves Lending Program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” aniya.

Sa ilalim ng programa, ang mga borrower tulad ng renewable energy developers, agri-businesses, at aviation hardware at machine manufacturers ay maaaring makautang ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan.

“This will be computed based on the applicable Bloomberg Valuation Reference (BVAL) rate at the time of availment, along with a spread of not more than 75% of the prescribed spread based on the borrower’s credit rating.”

Noong Marso ay inanunsiyo rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang plano nitong pagpapalabas ng P600 million na halaga ng livelihood support sa maliliit na negosyo.

Ayon sa DTI, may 10% ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang napilitang magsara hanggang  noong June 2021 dahil sa pandemya. Mas mataas ito ng 52.66% kumpara noong May 2020, sa kasagsagan ng quarantines.