(Iniutos ng DA dahil sa banta ng bird flu) POULTRY IMPORT BAN SA CZECH REPUBLIC

poultry

BAWAL munang pumasok sa Filipinas ang poultry products mula sa Czech Republic dahil sa banta ng avian virus o bird flu.

Kasunod ito ng ulat ng World Health Organization (WHO)  na may outbreak ng highly pathogenic avian influenza (H5-N8)  virus sa mga lugar ng Dlouhalhota, Tabor at Jihocesky.

Batay sa inilabas na kautusan ni Agriculture Sec. William Dar, hindi maaaring papasukin sa bansa ang lahat ng klase ng poultry products mula sa naturang  bansa, mula sa karne, sisiw, itlog at maging semilya nito.

Bunga nito ay hindi maaaring iproseso at i-evaluate ng ahensiya ang aplikasyon para sa pag-aangkat ng nabanggit na mga produkto, gayundin ang pagpapalabas ng sanitary at phyto-sanitary import clearance.

Banta ng DA, haharangin at kukumpiskahin ng kanilang veterinary quarantine officers ang mga kargamento sa lahat ng major ports of entry sa bansa. DWIZ 882

Comments are closed.