(Iniutos ng DA dahil sa bird flu) IMPORT BAN SA POULTRY PRODUCTS MULA MICHIGAN

IPINAGBAWAL ng Pilipinas ang pag-angkat ng birds at poultry products mula Michigan, United States dahil sa outbreak ng bird flu sa American state.

Sa isang statement noong Miyerkoles, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ipinalabas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order No. 24 noong June 7, na agad na nagsususpinde sa importasyon ng domestic at  wild birds at mga kaugnay na produkto, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, eggs, at semen mula Michigan.

Ang importation ban ay inilabas makaraang magsumite ang US Chief Veterinary Officer ng official report sa World Organization for Animal Health hinggil sa outbreak ng H5N1 subtype ng avian influenza sa Michigan, na kinumpirma ng National Veterinary Services Laboratories sa Ames, Iowa, noong March 29.

Sinabi ng DA na naobserbahan ng US authorities ang mabilis na pagkalat ng  virus, dahilan para palawakin ang trade restrictions upang mapangalagaan ang  local poultry population.

Sa ilalim ng memorandum, “shipments from Michigan currently in transit, loaded, or accepted at ports prior to the official communication of the order to US authorities will be permitted if the products were processed or produced 14 days before the initial outbreak was reported.”

Ayon sa DA, ang non-compliant shipments ay maaaring kumpiskahin at wasakin, ibalik sa bansang pinagmulan, o i-redirect sa isang third country.

Tinukoy rin ng DA ang isang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng US noong 2016, na nagsasaad sa pagpapatupad ng  state-wide ban kung tatlo o higit pang bansa ang apektado ng avian flu, “underscoring the collaborative efforts to mitigate the spread of the disease and protect poultry populations.”