(Iniutos ng DTI) BUYING LIMIT SA ILAN PANG BASIC GOODS

ILAN pang pangunahing bilihin  ang iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) na lagyan ng buying limit.

Ayon sa DTI, ang mga nadagdag na basic goods at kung gaano karaming piraso lang ang puwedeng bilhin ay ang mga sumusunod: Disinfectant wipes – 4 containers o pack; Sabong panlaba – 2 bundle (sachet), 2 box, o 2 bareta;  Toothpaste – 4 tube; Mouthwash – 4 bote; Canned pork – 10 cans; Canned beef – 10; cans;  Cooking oil – 4 bote o pakete; Panimpla (condiments) – 2 bote o pakete; Dried fish – 6 pakete; Delatang sardinas, 10 piraso.

Nauna nang naglagay ang DTI ng buying limit sa alcohol, instant noodles, toilet paper, kape, gatas, at tinapay sa mga grocery.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, ang hakbang ay hindi nangangahulugan na kulang ang suplay kundi  para maiwasan ang hoarding at mabigyan ang lahat ng consumers ng tsansa na mabili ang gusto nilang produkto.

Sinabi naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na patuloy ang produksiyon ng alcohol ngunit sobrang laki ng demand para rito kaya halos wala nang mabili sa mga supermarket at grocery.

May face masks na rin sa ilang supermarket na ibinebenta sa halagang P27 kada piraso.

Comments are closed.