PINAGSUSUOT ang lahat ng public utility vehicle drivers at conductors ng face masks sa lahat ng oras habang naka-duty bilang pagiingat laban sa 2019 novel coronavirus (nCov) na nakapasok na sa bansa.
“All PUV drivers should wear face masks while terminal operators should provide masks and sanitizer dispensers ‘for free use of passengers’,” nakasaad sa memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipinalabas kahapon.
“The LTFRB deems it necessary and urgent to devise precautionary measures to ensure safety of the riding public,” ayon pa sa circular.
Aatasan din ng Grab Philippines ang mga driver na magsuot ng face masks bilang health precaution na inaprubahan ng Department of Heath (DOH).
“Masks will be provided,” ayon sa Grab.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng nCov sa bansa, isang babaeng turista na bumiyahe mu-la Wuhan sa China, ang epicen-ter ng virus. PILIPINO Mirror Reportorial Team