INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN na itigil na ang operasyon nito sa iba’t ibang TV at radio stations sa buong bansa kasunod ng pag-expire ng legislative franchise ng giant network.
Ang cease and desist order na may petsang May 5, 2020 ay dahil sa kawalan ng ABS-CBN ng valid congressional franchise na napaso noong May 4, 2020.
Nakatala sa halt order ang 42 television stations sa buong bansa, kabilang ang flagship Channel 2, 10 digital broadcast channels, 18 FM stations at 5 AM stations, kasama ang DZMM radio.
Binigyan ng NTC, na naunang sinabi na magkakaloob ito ng provisional authority (PA) para payagan ang ABS-CBN na magpatuloy sa operasyon, ang network ng 10 araw mula sa pagkakatanggap ng kautusan para sumagot sa kung bakit hindi dapat bawiin ang frequencies na itinalaga rito.
Tinukoy nito ang Radio Control Law sa pag-aatas sa network na tumigil sa broadcast operations.
“Upon the expiration of RA 7966, ABS-CBN no longer has a valid and subsisting congressional franchise as required by Act No. 3846,” wika ng NTC sa isang statement.
“The NTC Regional Offices shall implement the closure order in their respective areas of jurisdiction. After receipt of ABS-CBN’s response, the NTC shall schedule the case for hearing at the earliest time after the Enhanced Community Quarantine is lifted by the Government,” sabi pa ng NTC.
Comments are closed.