INTEREST RATE ITINAAS NG BSP SA 4.25%

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

ITINAAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang key interest rate nito sa 4.25% sa gitna ng humihinang piso at ng tunataas na presyo ng mga bilihin.

Ang desisyon ng Monetary Board na taasan ang policy rate ng 50 basis points ay kasunod ng 50-bp upward adjustment nito noong nakaraang buwan.

Ang central bank rates ay ginagamit na batayan ng mga bangko at lending companies para sa kanilang loan, credit card, at deposit rates.

Ang mas mataas na rates ay nangangahulugan na mas malaki ang babayaran kapag nangutang, na mag-uudyok kapwa sa mga negosyo at consumer na bawasan ang paggasta at magtipid.

Karaniwang nagtataas ang central bank ng rates para makatulong sa pagpapabagal sa inflation, o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.