INIAKYAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates sa 2.25% matapos ang mahigit isang taon na hindi ito gumalaw.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nagpasya ang Monetary Board na taasan ang rates ng 25 basis points (bps).
Ang body ay huling bumoto para sa rate cut noong November 2020, kung saan nanatili ang numero sa 2% bago ang pagpupulong noong Huwebes.
Ito ang unang pagkakataon na tumaas ang interest rate magmula noong 2018.
Ang policy rates ng central bank ang basehan ng mga bangko at lending companies para sa kanilang loan, credit card, at deposit rates.
Umaasa ang BSP na bibilis ang inflation sa 4.6%, mas mataas sa 4.3% projection nito noong Marso, gayundin sa target range na 2%-4%. Inaasahang babagal ito sa 3.9% laban sa naunang inanunsiyo na 3.3%.
Sinabi ni Diokno na ang upside pressures ay sanhi ng potential impact ng mas mataas na presyo ng langis sa transport fares, gayundin ng patuloy na kakulangan sa domestic pork at fish supply.
Ang downside risks ay kinabibilangan ng potential impact ng weaker-than-expected global economic recovery sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19, Russia-Ukraine crisis, at paghihigpit ng global financial conditions.
“Given these considerations, the Monetary Board believes that a timely increase in the BSP’s policy interest rate will help arrest further second-round effects and temper the buildup in inflation expectations,” paliwanag ni Diokno.
“The Monetary Board likewise reiterates its support for the sustained implementation of non-monetary interventions to mitigate the impact of persistent supply-side factors on inflation, particularly food supply and prices,” dagdag pa niya.