MULI na namang inilagay sa extended general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa dahil sa patuloy pa ring tumataas na bilang ng positibong kaso ng COVID-19. Sa huling limang buwan, natututo na tayong mag-adjust at masanay sa sitwasyon habang naninigurong malusog tayo at ligtas sa sakit.
Alam naman natin na hindi lang Filipinas ang apektado ng pandemya, kundi buong mundo. Dahil sa ipinatutupad na mga lock-down, halos karamihan sa populasyon ng bawat bansa ay umasa sa digital channels para ipagpatuloy ang pamumuhay sa kabila ng ‘new normal’.
Naka-enroll ang mga estudyante sa online schools, at ang mga magulang ang nagsisilbing bantay at gabay habang nagkaklase sila virtually. Ang mga negosyo naman, mula sa pinakamaliliit hanggang sa multi-million na mga korporasyon, tuluyang binago ang business framework nila at inangkla sa digital at online ang kanilang mga sistema at proseso.
Sa sitwasyong ito, ang maaasahan at mabilis na internet connection ay kinakailangan para maisakatuparan ang mga planong pagpapaunlad ng digital economy ng bansa. Mura, dekalidad at accessible dapat ang data connection. Kritikal din na magkaroon ng stable at mabilis na internet sa mga kabahayan dahil sa mga trabahador na naka- work from home, mga estudyanteng nag-o-online classes, at halos lahat ay umaasa sa e-commerce para sa mga pangangailangan at suplay sa bahay, alinsunod na rin sa abiso na manatili sa bahay.
Ayon sa isang report ng World Bank, napakaimportante na pagtuunan ng pansin ang pagpapalago ng digital economy dahil sa malaking tulong nito sa pag-angat muli ng kabuuang ekonomiya ng bansa. Mahalagang pagbutihin ang internet services sa bansa dahil isa itong pangmatagalang solusyon sa muli nating pagbangon.
Isa ang Filipinas sa “potentially significant players” sa digital market sa buong mundo dahil sa 73 milyon na internet users sa bansa, at laging nangunguna pagdating sa paggamit ng social media.
Ayon pa sa report ng World Bank, 70% ng mga Filipino ay aktibong broadband subscribers, habang 88% naman ang average sa Southeast Asia. Sa mga Filipinong internet users na ito, 72% lang ang may 4G o LTE mobile broadband coverage, kumpara sa 82% lang sa South East Asia. Malaki na ang in-improve ng bansa pagdating sa bilis ng download at 4G availability sa nakalipas na dalawang taon.
Ayon naman sa isang market study ng OpenSignal market, mula Q4 2017 at Q1 2020 (huling quarter bago mag-COVID 19 pandemic) ang average download speed sa bansa ay tumaas na. Dati ay nasa 4.7Mbps lamang ito, pero ngayon ay nasa 8.5Mbps na- nagtala ng 80.9% na pagtaas.
Sabi pa ng nasabing pag-aaral, “operators in countries with high GDP per capita find it easier to invest in the latest network equipment and the cost of rolling out networks in countries with low population densities is higher in those where the population lives only in dense urban areas. The study added that when users’ Download Speed Experience is compared with GDP per capita, the Philippines is in the middle of the pack.”
Ngayon, ang tanong, kumusta naman ang performance ng Smart at Globe – ang dalawang pinakalamaking providers ng internet sa Filipinas?
Sinagot din ito ng OpenSignal study at sinabing mula Q4 2017 hanggang Q1 2020, ang average download speed ng Globe ay tumaas ng 3.5Mbps (84.2%), habang ang Smart naman ay nagtala ng pagtaas na 4.3Mbps (78.1%). Ayon sa pag-aaral, nangunguna ang Smart pagdating sa pagbibigay ng mas mahusay na mobile network experience sa mga user nito.
Ang pinakamalaking dahilan sa pagsulong na ito nitong nakaraang dalawang taon ay ang mga pagsasaayos na ginawa para maging available sa mga data user sa bansa ang 4G at naging mas mabilis na ang download speed ng mga nakakonekta sa network na ito. Ayon sa pag-aaral, mas tumaas ang availability ng 4G sa bansa nang mag-invest ang mga operator sa 4G networks.
Pero bukod sa pagpapabilis ng internet, importante rin na gawing accessible ito sa mas maraming Filipino. Mula Q4 2017 hanggang Q2 2020, ang 4G Availability, ayon sa mga user, ay tumaas ng 19.5% at lumagpas pa sa 80% na marka.
Ayon din daw sa mga internet user sa bansa, sampung magkakasunod na quarters na nagtatala ng improvements sa oras na konektado sila sa 4G. Ang Filipinas ang ika-67 sa 100 bansa pagdating sa 4G Availability- mas mataas pa ito kaysa sa 1/3 ng mga bansang kasama rin sa report ng OpenSignal.
Tumaas ang 4G availability score ng Smart ng 27.8% points, at ang 4G availability nito ay mas umangat ng 6% points kaysa sa Globe. Bukod pa rito, nitong Q2 2020, lumpagpas na ng 85% ang availability ng Smart.
Ayon sa ilang internet experts, tuloy na made-develop pa ito sa Filipinas kung tutularan natin ang mga hakbang ng ibang bansa, “should the Philippines wish to accelerate this trend then one possible approach would be to draw on some of the actions taken by regulators worldwide to ensure that speeds remained resilient despite the increased load on telecommunications networks triggered by the COVID 19 pandemic — such as increasing the availability of spectrum and cutting red tape.”
Ayon naman kay Alfredo S. Panlilio, Smart President and CEO at PLDT Chief Revenue Officer, hindi hihinto ang pag-invest ng kompanya sa pagpapabuti ng network nito, “The results of these speed tests over the past several years show the impact of our sustained network investments, particularly in LTE, in delivering progressively better internet services to our customers. We are continuing that investment effort as we further expand the reach of our LTE service and as we start rolling out 5G.”
Sunod-sunod na ang dagok na naranasan natin ngayong taon dahil sa pandemya ng COVID-19, at inaalam pa rin natin ang pinakamabisang paraan sa pagpapababa ng bilang ng mga nagpopositibo. Sa kabila nito, nakikinita naman natin na may nababalitaan tayong mga programa na naglalayong pagbutihin ang sitwasyon, tulad na lang ng tuloy-tuloy na pagpapalawig ng 4G network at pagpapabilis ng internet.
Sa anumang unos, nagkakaroon ng pagkakataon para mas mapabuti ang nakasanayan, baguhin ang kinabukasan. Nasasaad ito sa Bibliya, “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti.”
Comments are closed.