INVESTORS NA OFWs DUMAMI

OFW INVESTOR

LUMOBO ang bilang ng Filipino migrant workers na inilalaan ang kanilang hard-earned dollars sa investments, ayon sa isang local bank.

Sinabi ng Bank of the Philippine Islands (BPI) Asset Management and Trust Corporation (AMTC) na ang bilang ng kanilang OFW remitters at beneficiaries na nag-invest ay naging triple magmula noong 2013.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may 94.2 percent ng  Filipino households na benepisyaryo ng remittances ang nagsabi na ginagamit nila ang perang ipinadadala sa kanila ng kanilang mahal sa buhay na OFW sa pagbili ng pagkain at iba pang pangangailangan sa bahay.

May 64 percent ang nagsabi na ginagamit nila ang remittances para sa edukasyon,  46.9 percent sa medical investment, 22.9 percent sa pagbabayad ng utang at 33.9 percent para sa savings.

Nasa 5.2 percent lamang ng OFW households ang nagsabing inilaan nila ang bahagi ng kanilang remittan­ces para sa investment.

Subalit, sinabi ni BPI AMTC President Sheila Tan na nakikita nila ngayon ang trend kung saan kinokonsidera ng kanilang OFW clients ang investments para sa long-term goals.

Ayon pa kay Tan, inaasahan nilang lolobo pa ang kanilang OFW investor base sa mga susunod na taon.

“While remitters, according to a BSP report, still allocate some 40 percent of their earnings in purchases of appliances, vehicles and a family home, there is promising data that remittances for investment are starting to become part of the OF lifestyle,” ani Tan.

Iniulat ng BSP na sa buwan lamang ng Mayo, ang remittances ay tumaas ng 6.9 percent upang pumalo sa $2.7 billion.

“This brought the average remittance growth of the country to 4.2 percent in the first five months of the year — well-within the government’s 4 percent projection for 2018,” wika ng central bank.

Noong 2017, ang remittances sa bansa ay kumakatawan sa 10 percent ng gross domestic product (GDP) at 8.3 percent ng gross national income.

Comments are closed.