ALAM nating lahat na mahirap na trabaho ang de-cluttering at pag-oorganisa ng bahay. Gayunman, pwede namang hindi gaano! Heto ang mga simpleng paraan, na makatitipid ka sa oras at pera sa pagdaan ng panahon. Kaya tayo na at simulan ang pag-organisa sa bahay mo.
Isa-isahin ang mga silid para mas madali. One room at a time. Gamitin ang mga garapong naipon bilang lalagyan ng kung anuman sa kusina o sa banyo. Kung glass ang garapon, mas maganda pero kung walang glass, pwede na rin ang plastic. Halimbawa, gawin itong candle holder. Kung luma na o basag na, o hindi na ginagamit, maganda rin itong conversation starter kapag may bisita.
Siguruhing na may label ang baway garapon o container para hindi kayo magkamali. Kadalasan kasing nagkakamali tayo sa asukal na puti at iodized salt. Sa organizing naman, isipin kung aling items ang pinakamahalaga at nangangailangan ng atensyon. Halimbawa, kung marami kang damit, ito ang unahin mong ayusin.
Ilagay ang mga palaging ginagamit sa bukas at accessible areas ng bahay. Sa ganyang paraan, hindi mo na kailangang maghanap kapag kailangan sila. Kung luma na o sira na, itapon o gawing basahan. Sa ganoong paraan, mababawasan ang itatago at luluwag ang lalagyan.
Para mas maayos, ilagay sa tamang pwesto ang bawat bagay. Sabi nga, have a place for everything and everything in its place. Mahirap ito para sa ibang hindi ito nakasanayan, pero kung merong sistema ng organisasyon, masasanay ka rin.
Lagyan ng labels and signs ang bahay para pare-pareho kayo ng gagawin. Halimbawa, maglagay ng sign sa cabinet o closet para malaman kung ano ang nasa loob.
Kung iba-iba naman ang inoorganisa mo sa bahay, mag-isip kung ano ang tamang storage system na babagay sa bawat item. Halimbawa, kung marami kang libro o DVD, kailangan mo ng bookshelf o cabinet.
Mahalagang mag-organisa on a regular basis, pero maglaan ka rin ng oras para sa iyong sarili para mag-relax para naman maka-recharge ka bago magsimula uli. JAYZL VILLAFANIA NEBRE