“Sa unang bilang namin, meron at least mga 6,000 na OFW families dito sa lalawigan ng Abra,” ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.
Sinabi ni Cacdac na aabot sa P3,000-P5,000 ang cash assistance na ibibigay sa bawat pamilya.
Ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong pinansiyal ay maaaring magparehistro online o sa pamamagitan ng pagbisita sa regional welfare office ng OWWA sa Cordillera Administrative Region.
“Pero bababa po sa area ‘yung OWWA para maging mas madali po sa ating mga kababayan, si Deputy Administrator Arnell Ignacio ay magkakaroon, meron na po siyang team na nakahanda at sa ngayon, meron na nga tayong mga technical teams na bumaba na,” ayon kay Cacdac.
LIZA SORIANO