(Ipamamahagi ngayong linggo) FUEL SUBSIDY SA HALOS 1M TRIKE DRIVERS

AABOT sa 988,068 rehistradong tricycle drivers sa bansa ang inaasahang mabibigyan ng fuel subsidy ngayong linggo.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) NCR Regional Director Atty. Zona Tamayo, nagmula ang bilang sa pinagsama-samang listahan sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Posible naman, aniya,  itong madagdagan sa oras na maisumite na ang natitirang tatlong rehiyon.

Sa ilalim ng 2022 budget, may  P2.5-B na budget para sa fuel subsidy kung saan P625-M ang para sa tricycles at P125-M ang sa delivery services. DWIZ 882